Miriam Quiambao

Born May 20, 1975 From Manila

Miriam Redito Quiambao-Roberto is a Filipina actress, television host, and beauty pageant titleholder who was crowned Binibining Pilipinas Universe 1999 and placed first runner-up at Miss Universe 1999. She is currently one of the co-hosts of The 700 Club Asia

Si Miriam Quiambao ay isang artista sa Pilipinas. Si Miriam ay napili sa taunang patimpalak-kagandahan, ang Binibining Pilipinas, upang sumali sa isang patimpalak kagandahan, ang Binibining Mundo. Natanggalan ng korona ang orihinal na napiling kinatawan sa Binibining Kalawakan na si Denise Quinones kung kaya't napiling ipalit si Miriam para sa naturang patimpalak kung saan walumpu't apat na mga bansa ay may kinatawan noong taong 1999. Sa araw ng paunang patimpalak kung saan pinili ang sampung binibini na magtutunggali para sa korona, napatid si Miriam sa laylayan ng kanyang kasuotan habang bumababa ito sa hagdan. Sa halip na mawalan ng lakas-loob, ipinagpatuloy ni Miriam ang paglakad at itinaas ang kanyang mga braso na maubod namang sinalubong ng malakas na palakpakan. Napatunayan niya sa lahat na hindi sagabal ang kanyang pagkatapilok at siya ay tinawag bilang isa sa sampung huling binibini na naglaban para sa korona. Matapos kabahan at halos masamid habang sinasagot ang huling katanungan, tingnghal si Miriam bilang pangalawa sa katapusan ng patimpalak na napanalunan ng binibini mula sa bansang Botswana na si Mpule Kwelagobe.

From Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Read more on Wikipedia

Be kind. No rumours. A comment with 2 reports is hidden until an editor checks it.

0 comments Questions, corrections and how it went for you.

Nobody has commented yet.

Sign in to comment.