Vicente Lim
Vicente Podico Lim was a Filipino Brigadier General and World War II hero. Lim was the first Filipino graduate of the United States Military Academy at West Point. Prior to the establishment of the Philippine Army, he served as an officer in the Philippine Scouts. During the Battle of Bataan, Lim was the Commanding General of the 41st Division, Philippine Army (USAFFE). After the fall of the Philippines he contributed to the Filipino resistance movement until his capture and subsequent execution.
Si Vicente Lim ay ang unang Pilipinong nagtapos sa Akademyang West Point sa Estados Unidos. Isinilang siya noong Pebrero 24, 1888 sa Calamba, Laguna. Nagtapos siya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong 1908. Pagkaraan ng dalawang taon, nanguna siya sa pagsusulit para sa Akademyang Militar ng Estados Unidos sa West Point. Nagtapos siya rito noong 1914. Pagbalik sa bansang Pilipinas, naging pangalawang tenyente siya ng Philippine Scouts sa Kuta ng San Pedro sa Iloilo. Naging guro rin siya sa Akademyang Militar ng Pilipinas sa Lungsod ng Baguio. Nagtungo siya sa Estados Unidos para muling mag-aral at naging unang Pilipinong nagtapos sa Kolehiyo ng Hukbong Katihan sa Washington noong 1929. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging brigadyer heneral ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nang bumagsak ang Bataan noong 1942, napiit siya sa Capas, Tarlac. Nang makalaya, sumapi siya sa kilusang gerilya. Noong Hunyo 1944, dinakip siya ng mga Hapones dahil sa kanyang pagkilos laban sa pamahalaang kolonyal. Ikinulong siya sa Kuta ng Santiago at saka inilipat sa Bilibid Compound sa Maynila. Binitay siya sa Libingang Intsik nang taong ding iyon.
From Wikipedia, CC BY-SA 4.0 · Read more on Wikipedia
Be kind. No rumours. A comment with 2 reports is hidden until an editor checks it.
Nobody has commented yet.
Sign in to comment.
