Nuno sa Punso: Tabi-Tabi Po, Chapter 9: Tatay's Choice

Wednesday, the first light.Miyerkoles, unang liwanag.
Then burn me too, Tay.E di sunugin n'yo na rin ako, Tay.
Move, Tinay.Umalis ka d'yan, Tinay.

Your brother screamed all night!Magdamag sumigaw ang kapatid mo!
It's the stakes, Tay. Not him. I wrote it down.Mga tulos po ang dahilan, Tay. Hindi siya. Isinulat ko po.

Tay, look at me. Not at the mound.Tay, ako ang tingnan n'yo. 'Wag ang punso.

Inay. Go home. It's cold.'Nay. Umuwi na kayo. Malamig.
I walked this dike before you were born. Sit.Nilakaran ko na 'to bago ka pa ipinanganak. Umupo ka.
My father wanted this field flat too.Gusto rin ng tatang ko na patagin ang bukid na 'to.

Fifty years ago. I was nine.Limampung taon na ang nakalipas. Siyam na gulang palang ako noon.
Before tractors, Filipino farmers plowed their rice fields with a carabao, a water buffalo, pulling a wooden plow.Bago dumating ang traktora, kalabaw na humihila ng ararong kahoy ang gamit ng magsasaka sa palayan.
Tatang, say it first! Tabi-tabi po!Tatang, magpaalam muna kayo! Tabi-tabi po!
KRAK

By morning his arm was thick as a log.Kinabukasan, kasinlaki na ng troso ang braso niya.
I didn't ask, anak. I didn't even ask.Hindi man lang ako nagpaalam, anak.

Tabi-tabi po. I didn't ask. I'm asking now.Tabi-tabi po. Hindi ako nagpaalam. Nagpapaalam na po ako ngayon.
In the old belief, people ask a nuno's leave before they cut a tree or break new ground.Ayon sa paniwala, nagpapaalam muna sa nuno bago pumutol ng puno o magbungkal ng bagong lupa.
It cost him the best corner. He plowed around it ever after.Mula noon hindi na naararo ang pinakamagandang sulok. Iniikutan na.

The dike. It never ran straight here.Kaya pala palaging paliko ang pilapil dito.

I'll feel a fool, talking to dirt.Para akong tanga, kinakausap ang lupa.
How do I ask a thing I can't see?Paano ako magpapaalam sa hindi ko nakikita?
Like Lola's tatang did. Just say it.Gaya ng tatang ni Lola. Sabihin n'yo lang po.

Tabi-tabi po. I ASk forgiveness for the kerosene.Tabi-tabi po. Patawad po sa gaas.
In 1962 many barrios had no electricity. Home lamps burned kerosene, which Tagalogs call gaas.Noong 1962, walang kuryente ang maraming baryo. Gaas ang sinusunog ng mga lampara sa bahay.
Your father asked. That's one. The road men never did.Nagpaalam ang tatay mo. Isa na. Ang mga taga-kalsada, hindi.
Then Boyet...?E si Boyet po...?

Iron's still in my field. One man kneeling won't pull it.Nasa bukid ko pa ang bakal. 'Di 'yan mabubunot ng pagluhod ng isang tao.

By noon Boyet's fever broke. His leg didn't.Pagtanghali, humupa na ang lagnat ni Boyet pero maga pa rin ang binti.
Tay, you smell like gaas.Tay, amoy-gaas kayo.
I spilled some.MAY Natapon lang.

Lola, was it all true? About your tatang?Lola, totoo po ba lahat? 'Yung kay Tatang n'yo?
The bending of the field is true. The rest? I was nine.Totoo ang pag liko ng bukid. 'Yung iba? Siyam lang ako no'n.

Malolos, the capital of Bulacan, is about 45 km north of Manila.Ang Malolos ang kabisera ng Bulacan, mga 45 km sa hilaga ng Maynila.
Lets finish by Friday. Lorna's birthday. I promised.Tapos 'to bago mag-Biyernes. Kaarawan ni Lorna. Nangako ako.
Six new men. I'll count every stake.Anim na bagong tao. Bibilangin ko bawat tulos.

Sir! Engineer, sir! From your house!Sir! Inhinyero! Galing po sa bahay n'yo!
Lorna? She was fine this morning.Si Lorna? Wala naman siyang sakit kaninang umaga.

She had never been near the field.Ni minsan, hindi siya napunta sa bukid.
Anak, Papa's here. Papa's here.Anak, nandito na si Papa. Nandito na ako.
End of Chapter 9.Katapusan ng Kabanata 9.